Sabado, Agosto 2, 2014

Ang mga sinaunag Kabihasnan

Ang kabihasnan o sibilisasyon ay isang masulong na yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.Nagmula ang salitang sibilisasyon sa Latin na civis na may ibig sabihing isang taong naninirahan sa isang bayan. Naiisip nating sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi lamang ng isang tribo. Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal, pamahalaan, at kakayahan makapagtanggol ng sarili. Samakatuwid, isa itong konseptong tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga tao sa isang kulturang kinagisnan o nakasanayan, kulturang nalinang o kulturang tinanggap na resulta sa paninirahan sa isang partikular na lugar o kapaligiran. Naging isang masalimuot na lipunan o pangkat ng kultura o kalinangan ang kabihasnan na kinatatangian ng pagsandig sa agrikultura, pangangalakal kahit sa malalayong mga lugar, uri ng pamahalaan pang-estado at naghahari o namumuno, espesyalisasyon sa hanap-buhay, urbanismo, at antas-antas na mga klase ng mga tao.




SIMULA ng KABIHASNAN sa MESOPOTAMIA

HEOGRAPIYA

Ang lamabak-ilog ng Mesopotamia ay napapalibutan ng Kabundukang Taurus (hilaga) at ng Kabundukang Zagros (Silangan).
Ang Hangaganan naman ng Mesopotamia ay ang Disyerto ng Arabia (timog) at ang Golpo ng Persia (timog-silangan).

Mapa ng Mesopotami


PAGBUO NG MGA LUNGSOD-ESTADO SA SUMER

-Ang mga magsasaka sa Mesopotomia ay nagsanib upang bumuo ng mga lungsod-estado tulad ng Uruk, Kush, Lagash, Umma, at Ur.
-Ang unang uri ng pamahalaan ng mga Sumeryano ay pinamumunuan ng mga pari na naninirahan sa mga templo na tinatawag na ziggurat
- Ang mga pari ang nagsilbing  tagapamagitan at tagapagugnay ng mga tao sa mga diyos at tagapamahala rin sa pagbuo ng irigasyon.

Dulot na rin ng madalas na pakikidigma, unti-unting napalitan ang mga pari ng mga pinuno ng mga mandirigma na kalaunan ay naging mga hari.

Ang lipunan sa Sumer ay napapangkat sa apat:

Ang unang pangakat o iyong nasa itaas ay kinabibilingan ng mga pari at hari.
Ang ikalawang pangkat ay binubuo ng mayamang mangngalakal.
Ang ikatlong pangkat at pinakamarami ay binubuo ng mga magsasaka at artsino. 
At ang ikaapat at pinakamahabang antas sa lipunang Sumeryano ay binunbuo ng mga alipin.

ANG MGA UNANG IMPERYO

Akkadian

-Pinamumunuan  ni Sargon the great.
-Lumawak ang sakop ng Akkad at kinilala bilang unang imperyo.
-Nagatagal ang imperyo ng mahigit 200 taon at pagkatapos ay nagkawatakwatak muli ang mga nasakop na bayan.


Sargon the great


BABYLONIAN

-Pagsapit ng 2000 BCE, isang panibagong pangkat ng mga mananakop ang naghari sa Mesopotamia
-Amorites na nagtatag ng kabisera sa Babylon (pintuan ng langit).
-Taong 1792 - 1750 BCE, nakamit ng imperyong Babylonian ang rurok ng kapangyarihang sa ilalim ng pamumuno ni Hammurabi. 
(Makalpias ng dalawang siglo, nabuwag ang imperyo dahil sa pananalakay ng mga mananakop ng patrolistang nomadiko.


Hammurabi

ASSYRIAN

-Mula 850-650 BCE, sinakop ng mga Assyrian ang mga lupain sa Mesopotamia, Egypt, at Anatolia.
-Inisaayos nila ang kanilang nasasakupan sa isang imperyo.
-Ang mga lupaing malapit sa Assyria ay ginawang lalawigan at ang mga kaharian na kaalyado ng imperyo ay pinangangalagaan ng hukbong Assyrian laban sa mga kaaway at mananalakay.

Hindi rin nagtagal ang imperyo ng mga Assyrian dahil nag-alsa ang kanilang mga nasasakupang mamamayan dulot na rin ng kanilang kalupitan.

Assyrian 

CHALDEAN
-Itinatag ng mga Chaldean ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon.
- Muling naging sentro ng bagong imperyo ang lungsod ng Babylon makalipas ang mahigit 1000 taan nang una itong maging kabisera sa pamumuno ni Hammurabi.
-Si Nebuchadnezzar ang naging tanyag na hari ng mga Chaldean. Dahil pinagawa niyan ang Hanging Gardens na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Acient world.

Hanging Gardens

RELIHIYON

_Ang mga Sumeryano ay maituturing na may politiestikong pananampalataya. Dahil sila ay pinaniniwalaan nilang pinamamahalaan ng mahigit 3000 diyos ang iba't ibang aspekto ng kanilang buhay.

Ang pinakapangyarihang diyos ay si Enlil ( Diyos ng hangin at ng mga ulap), si Shamash (diyos ng araw) at si Inanna (Diyos ng  pag-ibig at digmaan). At ang pinamababa naman sa antas ng mga Diyos si "Ang massamang Ugug" (Tagapaghatid ng sakit, kamalsan, at gulo.

AMBAG SA KABIHASNAN

Maraming imbensyong nilika sa Mesopotamia na ginagamit din hangang ngayon. Katulad ng:

-Mga Sumeryano, nilikha nila ang gulong at layag.



- Ginamit naman ng mga Chaldean ang bronse bilang kasangkapan at armas.

-Ang mga Sumeryano rin ang unang nakabuo ng sistema ng pagsulat na tinantawag na cuneiform gamit ng isang stylus.



- Sa matematika naman, nilikha ng mga Sumeryano ang isang sistema ng pamilyang na nakabase sa bilang na 60. Tinatawag itong sexagesimal na hinahato ang isang oras sa 60 minuto at ang isang minuto ay hinati ng 60 segundo. (Ginagamit pa rin natin sa kasalukyuan)

Sexagesimal

- Ang mga Babylonian naman ay nag-iwan ng mga clay tablet na may mga tala sa kanilang kasagutan sa mga kompyutasyon patungkol sa multiplication at dvision.

Clay tablet

Ang iba pang pagbabago na kanilang pinasimulan ay ang mga arko, clumn, at ziggurat na lusbang nakaimpluwensya sa makalumang kabihasnan sa Mesopotamia.

Ang pinakamahalagang ambag ng mga Babylonian sa sangkatauhan ay ang Kodigo ni Hammurabi.
(Isa itong kalipunan ng mga batas na ang layunin ay pag-isahin ang lahat ng mga batas na ang layunin ay pag-isahin ang lahat ng mga batas mula sa iba't ibang bahagi ng imperyo. Ang Kodigo ang binubuo ng 282 batas na sumasaklaw sa lahat ng bahagi sa lipunan.)


Kodigo


KABIHASNAN SA INDIA

- Ang pangunahin nilang produkto ay trigo, barley, play, at bulak.
-Nagaalaga rin sila ng mga, baka, elepante, kambing, kalabaw, at tupa.
-mayrron ding naganap na kalakalan ng mga taga- Indus at taga-Mesopotamia na ikinakalakal ang mga metal at brilyante.









HEOGRAPIYA

Ang sub-kontinente ng India sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak-ilog ng Indus (hilagang bahagi). Sa hilaga ng lambak-ilog ay nakapaligid ang kabundukan ng Hindu Kush, Karakoram, at Himalaya na pinagmumulan ng tubig ng Ilog. Pinagigitan naman ng Disyerto ng thar (silangan) at ng mga bulubundukin ng Sulayman at Kirthar sa kanluran ang matabang lupain na pinamahayan ng mga tao.

Noong 2 500 BCE, naglatag naman ang mga taga-Indus ng mga lunsod na gawa sa laryo.
100 lungsod ang matatagpuan sa pampang ng ilog. 'ang mga pinakamalaking lunsod ay ang Kalibangan, Mohenjo-Daro, AT Harappa.

Heograpiya ng India


PANAHONG VEDIKO NG MGA ARYANO

-Nagmula sa Gitnang Asya ang mga mananakop ng Aryano na pumasok sa lamaak ng Indus simula 1500 BCE.


-Kabilang sila sa lahing Indo-Europeo na mga nomadikong pastoralista na nag-ambag sa pagsulong ng kabihasnan sa India.

PANITIKAN

Merong dalawang dakilang epiko ang nagmula sa India ito ay:

ang Mahabharata at Ramayana.

Ang Mahabharata  (nabuo ng 1000 - 700 BCE)
-Ito ay naglalaman ng 90 000 taludtod at itinuturing na isa sa mga pinakamahabang tula sa buong mundo.
Mahabharata

-Inilalahad sa epikong ito ang buhay ni Haring Rama at ng kaniyang asawa na si Sita.



BUDDHISIMO


Siddharta Gautama 

- Ang nagturo ng Buddhismo sa India ay si Siddharta Gautama na kabilang sa pamilya na naghari sa Kapilavastu na matatagpuan sa kasalukuyang Nepal.

Sa paglipas ng panahon, nahati ang Buddhismo sa dalawang pangkat:


THERAVADA
Theravada 
Ang Theravada na lumaganap sa Sri Lanka, Thailand, Burma, Cambodia, at Laos.

MAHAYANA

Mahayana


- Na lumganap naman sa China, Tibet, Japan, Korea, Mongolia, at Vietnam.

JAINISMO


- Ayon sa kanila, lumitaw sa mundo sa magkakaibang panahon ang 24 na guro na nagtuturo sa mga tao upang mapalaya ang kanilang sarili mula sa karma.

-Tinatawag silang mga Jina na nangangahulugang "mananakop" at mga tirthankaras o "silang mga nakahanap ng landas sa kaligtasan".

Si Vardhamana

Ito si Vardhamana, siya ay knilala bilang ika 24 sa mga gurong ito at itinuturing ng tagapagtatag ng samahang Jainismo, (Mahavira o :dakilang bayani"

IMPERYONG MAURYA


Si Chandragupta 

- Si Chandragupta Maurya kinilala bilang hari ng Magadha (hilagang india)
-Siya ang pinunong militar na nagpatalsik sa pamilyang Nanda na naghahari noon sa Magadha.
- Pinalaki niya ang sakop ng kaharian at itinatag ang imperyong Maurya.

IMPERYONG GUPTA

- Si Chandra Gupta ang nagtatag ng Imperyong Gupta noong 320 BCE.
-Nakaranas ang imperyo ng katahimikan at pag-unlad ng kabuhayan.


KABIHASNAN SA EGYPT

LOKASYON AT HEOGRAPIYA

Matatagpuan sa silangang hangganan ng Egypt ang Disyerto ng Sinai, sa Timog naman ay ang Disyerto ng Nubia, at sa kanluran ay ang malawak na Disyerto ng Sahara, Sa gitna ay dumadaloy ang Ilog Nile at sa makabilang pampang ng ilog nagtayo ng pamayanan ang mga Ehipsiyo.

SIMULA NG KABIHASNAN NG EGYPT

Nahahati ang Egypt sa dalawang kaharian. Nabuklod lamang ang dalawang kahariang ito sa ilalim ng pamumuno ni Menes noong 3100 BCE.


-Itinatag ni Menes ang kabisera sa Memphis at itinaguyod ng unang dinastiya sa Egypt.
-Sa paglipas ng 2600 taon, nagkaroon ng 31 dinastiya na namuno sa kaharian.
-Hinati ng mga historyador ang mga kaharian sa tatlo: Ang lumang kaharian, Ang gitnang kaharian, at Bagong kaharian.



ANG LUMANG KAHARIAN

-Nagsimulang tawagin na paraon ang pinuno ng kaharian.


Ang paraon ay itinuturing isang diyos ng mga tao kaya ganap ang kaniyang kapangyarihan sa buong Egypt.
- Tinatawag ding "Panahon ng Piramide ang Lumang Kaharian.
-Ang unang piramide ay ang kay Paraon Djoser na bai-baitang ang disenyo na matatagpan sa Saqqura.
-Nagwakas ang Lumang Kaharian dulot ng makakauganay na suliranin.

Ang Lumang Kaharian

ANG GITNANG KAHARIAN

-Sa pamumuno ni Haring Mentuhotep II
-Muling pinalakas ng Paraon ang sentralisadong pamamahala gayundin ang kalalakan sa ibang lupain.
- Ang panahong ito ay pinakilos ng mga maharlika kaya naman kinilala rin ito sa katawagang "Panahon ng mga Maharlika".

ANG BAGONG KAHARIAN

- Ang namuno sa Bagong kaharian ay si Ahmose I

- Binuo muli ni Ahmose I ang Egypt sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes.
-Sinakop din niyang muli ang Nubia at Canaan kaya tinaguriang "Panahon ng maharlika ".
-Ang natatanging paraon ng Bagong Kaharian ay si Reyna Hatsepshut na unang babaeng paraon na nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt sa loob ng 19 na taon.
-Si Thutmose II naman ang humalili ni Reyna Hatsepshut. Na pinalak pa ang teritoryo nang sakupin ng hukbong Ehipsyo ang mga lupain hanggang Ilog Euphrates (silangan) at hangang Nubia (Katimugan).
-Nang maging paraon naman si Rameses II, ipinatayo niya ang lungod ng Pi- Ramesses at mga gusali ng Abu Simbel at templo ng Ramesseum.

RELIHIYON

-Umaabot sa mahigit 2000 and diyos ng mga Ehipsyo. Ilan sa kanilang mga diyos ay si Ra, Ang diyos ng araw; si Horus, ang diyos ng liwanag; at si Isis, ang diyosa ng mga ina at asawa.



-Naniniwala rin sila na ang mga Ehipsyo na may buhay matapos ang katayan.

Ayon sa kanila, ang ginawa ng tao habang nabubuhay ang batayan sa paghuhusga kung siya ay mapupunta sa "paraiso sa kabilang mundo" o lalamunin ng "Manganain ng kaluluwa".

-Sinasamba rin nila ang kanilang mga pinuno. Naniniwala sila na ang bawat paraon ay may ka o eternal spirit na kailangang punan ang pangangailangan kapag pumanaw na sila. (Ito ang dahilan kung kaya binuo ang mga piramide na nagsilbing libingan ng mortal na katawan ng hari.

(2660-2450 BCE) nabuo ang mga piramide ng Egypt.

Ang pinakamalaki sa lahat ng piramde ay ang pinatayo ni Cheops (Khufu) na may taas na 40 palpag st may lawak na 13 acres.

LIPUNAN

Ang paraon at ang kani+yang pamilya ay nasa pinakaitaas na bahagi. Kasunod nito ang mga ospiyal ng pamahalaan, pinuno ng hukbo, at mayayamang may lupa. Sa ikatlong bahagi naman kabilang ang mga mangangalakal at artisano. At sa pinakamahabing bahagi ay ang mga magsasaka at manggagawa na bumubuo sa pinakamalaking bahagi ng populasyon ng Egypt.




KABIHASNAN SA CHINA

Sa tabing ilog umusbong ang mga sinaunang pamayanan ng mga Tsino.

HEOGRAPIYA

Sa lambak sa pagitan ng mga ilog ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang panayaana sa ChinaAng Disyerto ng Gobi ay nasa Hilaga, At ang Karagatang Pasipiko naman ay nasa Silangan. Ang mga kabunukan ng Tein Shan at Himalaya (kanluran ng lambak) at ang mga kagubutan ng Timog-silanganang Asya (katimugan).

MGA UNANG DINASTIYA

DINASTIYANG HSIA


Yu

 Si Yu ang namuno nito.

DINASTIYANG SHANG

Pumalit ang Dinastiyang Hsia ang Dinastiang Shang noong 1500 BCE.

Ang tatlong pangunahing katangian ng paghahari ng mga Shang ay ang pag-uumpisa ng pagsulat, kaalaman sa paggamit ng bronse, at ang pag-aantas sa lipunan.

May sistema ng pagsulat ang dinastiyang Shang subalit ito ay itinatala sa mga piraso ng kawayan kaya hindi nagtagal.


Oracle Bones

Ang tanging ebidensiya ng kanilang sistema ng pagsulat ay mula sa Oracle Bones. (Ito ay mga piraso ng buto ng pawikan na sinusulatan ng katanungan at binibigyang kasagutan ng isang shaman.

DINASTIYANG ZHOU

Noong taong 1027 BCE, napatalsik ng mga Zhou ang Dinastiyang Shang.
-Ipinagparuloy nila ang konsepto ng Tian Ming o "mandato sa langit" 

Ang siklo ng pagtatatag, pagbagsak, at pagpapalit ng dinastiya ayon sa mandato ay tinaguriang sikong dinastiko ( Dynastic Cycle).


Dynastic Cycle 


Naniniwala ang mga Tsino na nag-uumpisa ang siklong dinastiko sa kaguluhan tulad ng kalamidad, rebelyon, o pagsalakay sa ilalim ng pamumuno ng matandang dinastiya.

Pagsapit ng 300 BCE, nagsimlang mawalan ng knotrol ang dinastiyang Zhou sa mga lalawigan at namayani ang malalakas ng warlord.
-Ang malagim na panahon na ito ang tinaguriang "Panahon ng mga Nagdidigmaang Estado"

DINASTIYANG QIN

- Tinatawag ng pinuno ng Qin ang kaniyang sarili na Shi Huangdi na nangangahulugang unang emperador. 


si Shi Huangdi


IBA PANG KABIHASNAN SA ASYA

Umaabot ang mga ito sa rurok ng kapangyarihan bilang mga sentro ng pamamahala at kalakalan ang mga kabihasnan ng mga Hitito, Phoeneciano, at Persyano.
ANG MGA HITITO

Nagmula sa mga damuhan ng Gitnang Asya ang mga Hitito
-Nabuo ang imperyong Hitito at itinatag nila bilang kabisera ang lungos ng Hattusass.

Dalawa ang susi sa tagumpay sa digmaan ng mga Hitito:

Una ay ang paggamit nila ng mabibilis na chariot at ang ikalawa ay ang kanilang kaalaman sa pagpapanday ng bakal upang gawing pana, palaso, palakol, at espada.

Chariot 

-Ang paraan ng pakikipag-uganayan ng mga Hitito sa kanilang mga nasasakupan ay mabubuod sa konsepto ng pag-aangkin at pag-aangkop (adopt and adapt).
-Marami silang hihiram mula sa mga tags-mesopotamia sa larangan ng panitikan, sining, wika, politika, at mga batas.

ANG MGA PHOENICIANO

- Kabilang sa pangkat ng lahing Semititko, ay nananahan sa mauunlad na lungsod-estado sa may baybayin ng Dagat mediteraneo.
- Mahusay sila manggagawa ng barko, manlalayag at mangangalakal na nagtatag ng mga esratehikong lungsod na may daugan tulad ng Sidon, Tyre, Beirut at Byblos.


ANG MGA PERSYANO

-Nagmula ang makapayarihang imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng kasalukuyang Iran.
-Kabilang ang mga Persyano sa lahing Indo- Aryano.


~*~*

Cyrus the great

Sa ilaim ni Cyrus the Great, lumawak ang imperyo ng Persia mla sa lambak-ilog ng Indus hanngang babayin ng Dagat Aegan.

Matagumpay na nalupig ng tagaoagmana ni Cyrus na si Cambyses IIang mga kaharian ng Egypt at Libya (Africa)

PAMAHALAAN

-Hinati nila sa 20 satrapy o lalawigan ang kanilang teritoryo. 
-Pinamumunuan ang bawat lalawigan ng isang satrap o gobernador na hinrang ng hari. 

Gobernador nila

RELIHIYON

-Ipinahayag ng propetang si Zoroaster na may iisang diyos lamang.

Ang Diyos na ito ay tinatawag niyang Ahuya Mazda na pinamulan ng kaliwangan at katotohanan.


Ahuya Mazda

At si Ahriman naman ang kinikilala bilang espiritu ng kasamaan.

si Ahriman

Naniniwala si Zoroaster na patuloy ang digmaan ng puwersani Ahura Mazda at ni Ahriman.

si Zoroaster 

KABIHASNAN SA AMERICA

Matatagpuan ito ng North America at South America sa pagitan ng dalawang malalawakna karagatan, ang Karagatang Pasipiko at Karagatang Atlantiko

ANG MGA OLMEC

Tinatawag na Olmec o mga taong goma ang mga pamayanan na nainirahan sa baybayin ng Golpo ng Mexico noong 1200 BCE 

Olmec

ANG MGA TEOTIHUACANO

Matatagpuan sa lambak ng Mexico ang Tinaguriang "Lupain ng mga diyos" o Teotihuacan. Ang Teotihuacan ay kinilala bilang unang lungsod sa America.

Teotihuacan

Sinasamba naman ng mga Teotihuacano ang diyos na si Quetzalcoatl o tinaguriang Feathered Serpent.


si Quetzalcoatl 


MGA MAYANS

Nagsimulang sumibol ang kabihasnan ng mga Mayan mula sa mga pamayanag nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang mga Diyos.

Mga Mayans

RELIHIYON

Nakabatay rin ang buhay ng mga Mayan sa kanilang relihiyon. Politeistiko ang mga mayan dahil naniniwala sila sa maraming diyos na namamahala sa kanilang buhay. May pagkakataon din na nagaalay sila ng tao sa mga cenote, isang malalim na bangon, bilang sakripisyo sa kanilang mga diyos.

Cenote

MGA AZTECS

Nagmula sila sa hilagang Mexico ang mga nomadikong Aztec na kilala rin sa tawag na Mexica. 

RELIHIYON

Sa lungosd ng Tenochtitlan matatagpuan ang mga templo para sa maraming diyos ng mga Aztec. 

Mga Diyos
(Mga Diyos nila.)



ANG MGA INCA

Sa South America sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi ng Kabundukang Andes. Umaabot ang teritoryong sakop nito sa Peru, Bolivia, Ecuador, at mga bahagi ng Chille at Argentina. Ang imperyong ito ay tinatawag na Inca.

Inca

RELIHIYON

Maraming sinasambang Diyos ang mga Inca. 

Panngunahin nilang diyos ay si Viracocha na pinaniniwalaang tagapaglikha ng mundo.

Viracocha


Higit nilang sinasamba si Inti, ang diyos ng araw, dahil naniniwala silang ang kanilang emperador ay inapo ni Inti.



Inti 

KABIHASNAN SA AFRICA

ANG MGA KUSHITE

Ang Nok ay naninirahan sa Nigeria mula 500 BCE - 200 CE, Ang mga nok ay mga magsasaka na unang nakkalam ng paraan ng pagpapanday ng bakal sa bahaging iyon ng africa.

Nok

Ang mga Kushite 

 Mahigit 2000 taon napasailalim sa kapangyarihan ng mga Ehipsyo ang rehiyon ng Nubia. na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile. 

Kinikilala bilang unang pinuno si Haring Pianki ng imperyong Kushite.

Haring Pianki 


Ang mga Aksumite

Ayon sa alamat, ang pagkakatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng Rena ng Sheba at ni Haring Solomon ng Israel. Ang kaharian ng Aksum ay matatagpuan sa hilagang- silangang bahagi ng Africa.


Isang stelae sa Aksum

  ANG MGA IMPERYONG PANGKALAKALAN

Ang kalakalan ang pangunahing gawain na bumubuhay sa mga imperyo sa Africa.

Ang Ghana

Ang mga mamayan ng Ghana ay tinatawag na Soninke. Pangunahing ikinabubuhay ng mga Soninke ang pagsasaka at pagpapanday.


Soninke

Ang Mali

Taong 1235 nang lumitaw ang kaharian ng Mali na mula sa anino ng Ghana. Ang unang mansa o emperador ng Mali ay si Sundiata. Sa pamamagitan ng digmaan, nasakop niya ang kaharian ng Ghana at mga lungsod ng Kumbi at Walat.

Sundiata

ANG SONGHAI

Isa sa natatanging pinuno ng Songhai ay si Sunni Ali. Taglay ang kaalamang militar at agresibong pamumuno, bumuo si Sunni Ali ng isang hukbo na may barkong pandigma at mga sundalong kabuhayin. Sinakop niya ang Timbukto, Gao, at ang Djene. 


Sunni Ali

ANG MGA HAUSA

Ang mga Hausa ay dating sakop ng mga Songhai. Nakamit lamang nila ang kanilang kasarinlan nang humina ang imperyo ng Songhai. Matatagpuan sa hilagang Nigeria ang mga itinayo nilang mga lungsod ng Kano, Katsina, at Zazzau.

Hausa 

ANG BENIN

Itinayo ang kaharian ng Benin sa pampang ng Ilog Niger. Noonng ika-15 siglo, lumaki ang sakop ng kahariansa pangunguna ni Haring Ewuare. Umabot ito sa kabuuan ng Ilog Niger delta hanggang sa Lagos, Nigeria.

Mga Benin



KABIHASNAN SA PASIPIKO

POLYNESIA

Ang rehiyon ng Polynesia ay binubuo ng mahigit sanlibong pulo mula sa Gitnang Pasipiko hanggang sa New Zealand. Sakop nito ang malaking triyangulong teritoryo mula sa Hawaii sa hilagang-silangan, patungo sa Easter Island sa timog-silangan , at sa New zealand sa kanluran.

Mapa ng Polynesia

Polynesians 


MICRONESIA 

Ang Micronesia ay bahagi ng Pasipiko na pinakamaliit sa Pilipinas. Bahagi rin ito ng Oceana na matatagpuan sa silangan ng Pilipinas, Indonesia, at Papau New Guinae. Matatagpuan naman ang Polynesia sa silangan nito.

Mapa ng Micronesia
Ang kultura nila
     
MELANESIA

ANG rehyon ng Melanesia ay matatagpuan sa Kanlurang Pasipiko. Ang mga pulo ng Melanesia ay tinitirahan ng mga taong maitim ang balat.

Mapa ng Melanesia


Ang mga tao sa Melanesia





















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento